Friday, September 20, 2013

"Zamboanga has FALLEN"



Kapatid sa Kapatid
Dugo sa Dugo
Isang bansa, magkakapamilya,
Naglalaban-laban.

Walang pakialam sa mangyayari,
Basta't gusto nila ay magwagi.
Maraming nadadamay,
Gaya ng mga batang walang kamalay-malay.

Putukan, Bombahan, Sunugan at Sigawan,
Ang maaari mong marinig sa gitna ng labanan.
Kanya-kanyang paninindigan,
Parang hindi magkapatid ang turingan.

Gobyerno laban sa taong armado,
Ang palaging nangyayari sa bansang ito.
Hanggang kailan matatapos ang kaguluhang ito?
Hangga't mapuno na ng dugo ang buong pulo?

Sana ang iniisip niyo ang madadamay na tao,
Hindi puro sariling gusto.
Ramdam namin ang hinanaing niyo,
Pero wag sanang abutin sa kamatayan ng tao.

Kalungkutan, Pighati o Iyakan,
Ang makikita sa mukha ng mamamayan.
Dasal ng Dasal, para mahinto ang labanan,
Tinatawag na ang ngalan ng DIYOS upang hiling ay matawaran.

Walang alam kung kailan matitigil ang digmaan,
Walang sinuman ang gustong sumuko sa labanan.
Pati mga armadong tao di susuko sa gobyerno,
Ubusan na ng bala, pagkain at porsyentong manalo.

Sana matigil na ang sakripisyong ito,
Wag nang paabutin na ang DIYOS ang pumarusa sa inyo.
Hangga't maaga pa, Hangga't may oras pa,
Itigil na, putulin na ang samaan ng loob sa isa't-isa.




No comments:

Post a Comment